Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng 3.39 bilyong para sa (FY) 2023 Performance-Based Bonus (PBB) ng 225,545 na mga kwalipikadong opisyal at kawani ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay budget secretary amenah pangandaman na bahagi ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang morale at kapakanan ng mga manggagawa ng gobyerno, lalo na ang mga tagapagpatupad ng batas.
Layunin din nitong ipakita ang pangkalahatang hangarin ng administrasyon na magkaroon ng propesyonal, masigla, at suportadong burukrasya na nagseserbisyo nang may integridad at kahusayan.
Sa ilalim ng aprubadong pondo, bawat kwalipikadong opisyal at kawani ng PNP ay makatatanggap ng Performance-Based Bonus na katumbas ng 45.5% ng kanilang buwanang basic salary batay sa kanilang sweldo noong Disyembre 31, 2023.
huhugutin ang pondo mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) sa ilalim ng Republic Act No. 12116 o Fiscal Year 2025 General Appropriations Act (GAA).