Reading Time: 1 minute
Kalibo PNP
Kalibo PNP

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong direct assault upon an agent authority ang isang turistang taga-Hong Kong matapos na sinapak ang miyembro ng Malay Auxillary Police na sumita sa kanya habang naninigarilyo sa pampublikong lugar sa isla ng Boracay.

Batay sa ulat mula sa Malay Police Station, kinilala ang dayuhan na si Dennis Chong, 50, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Balabag sa nasabing isla.

Sinita umano ang dayuhan dahil sa paglabag nito sa Municipal Ordinance No. 309 o Anti-Smoking at No. 311 o Anti-littering ngunit sa halip na patayin ang nakasinding sigarilyo ay sinapak pa nito ang enforcers.

Kaugnay nito, kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya ang dayuhan kung saan siya nakakulong para sa karampatang disposisyon.