ILOILO CITY – Epektibo muli ngayong araw ang city-wide border control at closure ng lahat ng non-essential businesses o hindi mahahalagang negosyo sa Lungsod ng Iloilo.
Tatagal ito hanggang sa darating na Mayo 31 kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang layunin ng nasabing hakbang ay mapigilan na madagdagan ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Treñas, ang entry at exit palabas at papasok sa Iloilo City sa pamamagitan ng land, sea at air travel, ay pagbabawalan hanggang alas-11:59 ng gabi ng Mayo 31. Exempted o hindi kasama rito ang mga nasa “essential” sectors katulad ng mga nasa medical fields, government services;
- transportasyon ng mga goods at construction materials;
- humanitarian purposes; gayundin ang mga
- returning overseas Filipino workers, locally stranded individuals at authorized persons outside residence
Gayunman, kailangan pa rin magpresenta ng mga ito ng mga dokumento katulad ng company identification cards at medical certificate.
Kabilang naman sa mga establisyemento na papayagang magbukas ay:
- Public at private na mga ospital;
- Health, emergency at frontline services katulad ng dialysis centers, chemotherapy centers, disaster risk reduction management offices at iba pa.
Bawal din ang mass gatherings, maliban sa religious gatherings ngunit subject lang sa 10 percent seating capacity.
Ang media establishments ay subject sa 50% on-site capacity, habang 30 % on-site capacity naman ang sa business process outsourcing companies.