Batanes quake
Batanes Quake

DAVAO CITY – Magbibigay ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw sa mga naging biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Itoy matapos inaprubahan ng mga miyembro ng 19th council ang resolution na naglalayon upang magbigay ng financial assistance na nagkakahalaga ng P1 million sa mga apektadong residente ng Itbayat.

Kukunin umano ang pondo mula sa Quick Response Fund ng lungsod ng Dabaw.

Inihayag ni Alfredo Baloran, head ng Davao City Disaster Risk Reduction Management office, na ibibigay ang pera sa Munisipalidad ng Itbayat na siyang grabeng naapektuhan ng 5.9 magnitude na lindol kung saan halos 1,025 pamilya ang apektado at 180 na kabahayaan ang nasira.

Dagdag pa ni Baloran, personal umano nilang iaabot ang cash assistance sa lalong madaling panahon.