-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang dating sundalo sa ginawang drug buy bust operations sa Tagum City, Davao del Norte.

Kinilala ang suspect na si Juffry Malobes Villaflor, 44, may asawa at residente ng Purok San Francisco, Barangay Upper Katunggal, Tacurong City, Sultan Kudarat, dating member ng Philippine Army na naka destino sa 10TH ID, Barangay Tuboran, Mawab, Davao De Oro pero natanggal sa serbisyo.

Positibo si Villaflor na nabilhan ng DEU personnel ng illegal na droga na shabu.

Matagal na umanong nasasangkot sa pagbebenta ng illegal na druga na shabu ang dating sundalo.

Nakumpiska mula sa kanyang posisyon ang tatlong scahet ng shabu, isang improvised tooter at isang Php 500.00 bill.

-- Advertisement --

Nasa kostudiya na ngayon ng Tagu city police office ang suspect at ang mga nakuhang ebidensiya para sa tamang disposition.