-- Advertisements --
Buhos ngayon ang pakikiramay para sa pagpanaw ng dating press secretary at broadcaster na si Atty. Ricardo “Dong” Puno.
Binawian ng buhay si Puno kaninang alas-12:15 ng tanghali sa edad na 76.
Siya ay nagsilbi bilang abogado at naging opisyal ng nagsarang channel 2 bilang senior vice president.
Naitalaga siya ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong taong 2000 bilang press secretary at kumandidato rin bilang senador noong 2001 ngunit hindi siya nagtagumpay.
Ipinanganak si Puno nong Enero 20, 1946.
Siya ay anak ni dating Justice Minister at Court of Appeals Associate Justice Ricardo Puno Sr., kung saan magkasama nilang itinayo ang Puno & Puno Law Offices.