Habang papalapit ang kanyang pagreretiro sa Marso 2027, inaalam pa ni dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III ang kanyang susunod na hakbang matapos magbitiw sa puwesto nitong PNP Chief noong Agosto 26.
Sa ngayon, naka-leave parin si Torre hanggang sa katapusan ng Oktubre at wala pa raw siyang desisyon kung ano ang susunod niyang gagawin.
Pinagtutuunan din aniya niya ng pansin ang personal na adbokasiya laban sa bullying. Nakatakda siyang maglunsad ng anti-bullying fun run sa Nobyembre 16 sa Santa Rosa, Laguna, na inspirasyon mula sa mga insidenteng nakita at naranasan niya mismo.
Bukod dito, nakatakda ring tumestigo si Torre sa kaso laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City sa Oktubre 23. Gayunman, may posibilidad din umano itong maurong dahil sa conflict sa kanyang iskedyul.
Sa kabila ng mga espekulasyon, nilinaw ni Torre na wala pang pormal na bagong posisyon sa kanya ang Malacañang ngunit nagpahayag siya ng buong suporta sa administrasyong Marcos.