-- Advertisements --

Tutuloy umano si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa kaniyang pagtestigo laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay sa kabila ng lumabas na warrant of arrest laban kay Garma at tuluyang pagkansela sa kaniyang passport, dahil sa pagkakadawit niya sa pananambang kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga, ilang taon na ang nakakalipas

Ayon kay dating senator Antonio Trillanes IV, hindi maaapektuhan si Garma, kahit pa maglabas ang Interpol ng red notice laban sa kaniya.

Nakarating na aniya ang dating Duterte appointee sa kaniyang ”final destination” at nasa ilalim na siya ngayon ng protection ng ICC. Bata

Naniniwala rin si Trillanes na tutulong ang ICC para tuluyan nang maalis ang red notice laban kay Garma.

Samantala, bagaman mayroon nang warrant laban sa dating opisyal, sinabi ni Trillanes na kwalipikado rin si Garma para sa witness protection program ng international tribunal.

Kung kailangan aniya na ilipat si Garma sa ibang lokasyon dahil sa kaniyang sitwasyon, tiniyak ni Tillanes na agad itong gagawin ng naturang korte.