CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa pamamaril dakong alas 7:09 Lunes ng gabi sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Rahima Balabaran,30 anyos,at residente ng Brgy Datu Balabaran Cotabato City.
Sa ulat ng Cotabato City Police Office na nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang tahanan ng bigla itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa town proper sa lungsod ng Cotabato.
Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Ito ang pinaka-unang naitalang kremin sa kakaupong Lady PNP City Director na si Colonel Portia Manalad.
Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.