dinky
-- Advertisements --

Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na pumanaw na ngayong umaga si dating Social Welfare and Development Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa edad na 68 years old.

Ikinalungkot ng Pangalawang Pangulo ang pagpanaw sa kaibigan na dumamay sa kaniyang pamilya ng mamatay sa plane crash si dating DILG Sec. Jessie Robredo nuong 2012.

“May napakalungkot na balita tayong natanggap ngayon lang, na si former DSWD Secretary Dinky Soliman, namapaya na ngayong umaga,” pahayag ni Robredo.

Si Soliman ang dating kalihim ng DSWD sa panahon ng namayapang Pres. Noynoy Aquino at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

-- Advertisement --

Taong 2005, nagbitiw sa pwesto si Soliman dahil sa kontrobersiya ng “Hello, Garci” na kinasangkutan ni dating Pang. Arroyo.

Ayon pa kay Robredo, napakabuting tao ni Soliman kung saan ginugol nito ang kaniyang buhay sa pagsisilbi sa mga mahihirap lalo na ang programa nito na 4Ps program na tinutulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan.