-- Advertisements --
Antonio Floirendo

Hinatulan ng Sandiganbayan nang hanggang walong taong pagkakakulong si dating Davao del Norte Second District Rep. Antonio Floirendo.

Sa katatapos lamang ang promulgation ng Sandigabanyan 6th Division sa kasong kinasasangkutan ni Floirendo, napatunayang guilty beyond reasonable doubt ang dating mambabatas.

Ang kaso ay nag-ugat sa pinasok na venture agreement ng Tagum Agricultural Development Company Incorporated (TADECO) sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa 5,000 ektaryang lupain para sa Davao Penal Colony.

Ang kaso at isinampa ng kanyang dating matagal nang kaibigan na naging kalaban sa pulitika na si Rep. Pantaleon Alvarez. 

Sinasabing nakinabang si Floirendo sa pagsanla ng 5,000 hectares ng government land sa TADECO na umano’y hindi kapaki-pakinabang sa gobyerno. 

Ang TADECO ay pagmamay-ari ng pamilya ni Florendo.

Lumalabas na conflict of intertest at tadtad na anomalya ang pinasok na kasunduan dahil nangyari ito noong si Floirendo pa ang nakaupong kongresista habang siya rin ang chairman ng kumpanya noong nangyari ang renewal ng joint venture noong 2003.

Pinasok ng familiy company ni Floirendo ang joint venture agreement sa pagsanla sa BuCor penal land para sa banana plantation noong July 11, 1969.

Nai-renew ito noong Mayo 21, 2003 at pinangakuan ang BuCor ng annual production share na P26,541,809 na mayroong automatic increase na 10 percent kada limang taon.

Pero sinabi ni Alvarez na lugi ang pamahalaan ng P106,167,191 kada taon dahil sa naturang kasunduan.