-- Advertisements --
MOSCOW, Russia – Dinakip at nasa kostudiya ng Russian authorities ang Russian general na si Sergei Surovikin.
Siya ang dating commander ng buong Russian forces sa pagsalakay sa Ukraine at mataas na opisyal din ng kanilang Air Force.
Sinasabing may kaugnayan sa Wagner rebellion na pinamumunuan ni Yevgeny Prigozhin ang pagdakip kay Surovikin.
Nananatili ngayon ang dating commander sa Lefortovo detention center sa kabisera ng Russia.
Lumalabas na tila pinanigan nito ang Wagner, batay sa ilang impormasyong nakarating sa Moscow.
Maliban sa dinampot na heneral, dinakit din ang kanilang deputy na nahaharap na sa kasong treason.