-- Advertisements --

Pinangunahan ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang makasaysayang pamamahagi ng tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa Tacloban City.

Batay sa datos aabot sa 4,613 e-titles ang ipinamahagi sa 4,190 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na sumasakop sa 10,000.73 ektarya ng lupain sa naturng lugar.

Ipinamahagi rin ni Sec. Estrella ang 3,011 Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa 2,048 ARBs, na katumbas ng ₱99,394,966.65 na halaga ng condonation.

Bukod pa rito, umabot sa ₱50 Milyong piso ang halaga ng Farm Machineries and Equipment (FME) na ipinagkaloob sa 291 Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) mula sa anim na lalawigan sa rehiyon.

Namahagi rin ang ahensya ng multi-role power station, mga tractor, hauling truck, rice harvester, at iba pang makabagong kagamitan.

Layon, ng hakbang na ito na produksyon at kita ng mga magsasaka sa rehiyon.

Sa kabuuan, 7,051 ARBs ang nakinabang sa aktibidad na pinangunahan ng ahensya.