-- Advertisements --

Inaasahang makakaranas ng danger level heat index ang tatlong lugar sa Luzon ngayong araw ng Miyerkules, Abril 2.

Ayon sa state weather bureau, inaasahang maranasan ang 42 degrees Celsius hat index sa Iba, Zambales at Virac (Synop), Catanduanes.

Sa Metro Manila, inaasahang makakaranas ng heat index na 40 degrees Celsius habang sa Quezon city inaasahang makakaranas ng 36 degrees Celsius.

Sa Dagupan city, Pangasinan, inaasahang aabot sa 43 degrees Celsius ang heat index.

Ibinabala naman ng bureau na ang temperatura sa pagitan ng 42 degrees Celsius at 51 degrees Celsius ay nasa danger category na nagdudulot ng banta sa kalusugan gaya ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.