-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na kanilang ititigil muna ang paglabas ng mga arawang heat index.
Ayon sa PAGASA, na dahil sa nagsimula na ang panahon ng tag-ulan nitong Hunyo 3 ay hindi na sila maglalabas ng anumang heat index.
Maaaring sa buwan na ng Marso ng susunod na taon na sila magpalabas ng heat index.
Pagtutuunan na lamang nila ng pansin ngayon ang mga maaring epekto ng panahon ng tag-ulan ngayon.