Magdi-deploy ng karagdang police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa ibat-ibang vaccination sites, ayuda centers, palengke at supermarkets sa National Capital region sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ang kinumpirma ni Interior and Locl Government Secretary Eduardo Año.
Ayon sa kalihim layon nito para matiyak ang kaayusan sa mga nasabing lugar lalo na kung nasusunod ang striktong minimum public health standard.
Sa ngayon, mahigpit na border controls ang ipinapatupad sa NCR Plus.
Binigyang-diin ni Año na mga cargo vehicles, trucks at authorized person outside residence (APOR) lamang ang maaaring makadaan sa mga borders.
Aniya, may dedicated checkpoints para sa mga cargo trucks na maghahatid ng essential goods sa Metro Manila.
Ang mga APORs ay dapat ipakita sa checkpoints ang kanilang identifications cards at iba pang valid IDs na inisyu ng mga establishments na pinayagan mag-operate