Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan – Dadagdagan pa ang mga security cameras sa isla ng Boracay.

Ayon kay acting Malay Mayor Frolibar Bautista na 34 na units ng closed-circuit television (CCTV) cameras na babantayan ng round-the-clock ng surveillance team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mainland Malay.

Ang dagdag aniyang cameras ay gagamitin hindi lamang sa pag-monitor sa mga krimen kundi para sa disaster management at emergencies.

Ilalagay umano ito sa long beach na may layong 100 meters ang bawat isa.

Sa kabilang dako, balak rin ngayon ng LGU-Malay na maglagay ng dalawang pontoon upang maiwasan ang pagdaong ng mga motorbanca at iba pang seacrafts sa baybayin.