ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard hinggil sa pagsadsad ng barko ng Cokaliong na MV Filipinas Cebu sa Igbon Island, Concepcion, Iloilo.
Sakay ng barko ang 223 na mga pasahero kung saan 220 ang mga adults at tatlo ang mga bata.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Paterno Belarmino Jr. chief ng Coast Guard Station Iloilo, sinabi nito na nagmula ang barko sa Philippine Ports Authority sa Iloilo City at papunta sana sa Cebu City.
Ngunit ng dumaan ito sa Igbon Island, Concepcion, Iloilo, iniwasan nito ang isang sasakyang pandagat na nagresulta sa pagsadsad nito sa isla.
Nabutas din ang bahagi ng barko ng tumama sa bato.
Kaagad namang nagpadala ng rescue vessel ang sub-station sang Philippine Coast Guard Iloilo upang ma-rescue ang mga na-stranded na pasahero.
Umalma naman ang ibang mga pasahero kung saan sinabi nila na inaantok ang mga crew ng barko ng mangyari ang insidente.