-- Advertisements --

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na target nilang palawigin ang pagpapatupad ng import ban ng bigas hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Ginawa ng kalihim ang pahayag sa naging pagharap nito sa pagdinig ng Committee on Agriculture ng House of Representative.

Sinabi ni Laurel na layon ng hakbang na ito na mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga lokal na magsasaka laban sa patuloy na nararanasa nitong pagkalugi .

Ito ay dahil nananatiling mababa ang presyo ng pala sa bansa dahil sa epekto ng oversupply.

Naniniwala ang kalihim na kailangang naaayon ang importasyon ng bigas sa kasalukuyang panangangailangan ng bansa.

Batay sa datos, aabot lang dapat sa 3.6 million tons ng bigas ang kailangang angkatin ng bansa sa isang taon ngunit sa katapusan pa lamang ng September ay pumalo na sa 3.5 milyon tons ng bigas ang naangkat ng bansa.