-- Advertisements --
Plano ngayon ng Pilipinas na makarating ang produktong agrikultura sa Taiwan.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) na ito ay matapos ang matagumpay na paglahok ng bansa sa Taiwan Smart Agri-Week 2025.
Sa nasabing programa ay nakita ng DA ang malaking potensiyal para doon madala ang mga fishery at agricultural products ng Pilipinas.
Sinabi naman ni DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na ang nasabing hakbang ay sang-ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mapalago ang agrikultura at makilalal ito sa ibang bansa.