Hindi pinaniniwalaan ng Department of Agriculture (DA) na kasalukuyang nakakaranas ngayon ng food shortage ang bansa dahil hindi naman nakukulangan ang mga supply sa merkado.
Ani Agriculture Secretary Franscisco Tiu Laurel Jr., hindi jiya maintindihan kung saan nanggaling at ano ang pinagbasehan ng mga datos.
Aniya, wala naman silang nakikita kakulangan sa supply ng mga basic commodities lalo na aniya ngayong anihan na sa mga susunod na buwan.
Sa kabilang banda, walang food shortage ngunit posibleng may ibang bahagi ng bansa ay nakakaranas ng pagkagutom dahil na aniya sa ekonomiya at hindi na konektado sa agrikuktural na sektor.
Pagtitiyak naman ng kalihim, wala dapat ikabahala ang publiko sa mga supply ng mga pangunahing dahil hindi naman nagkukulang sa supply ang sektor ng agrikultura para makapagproduce ng mga raw materials.
Aniya, dry season lamang ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kaunting problema sa mga supply.
Kung titignan din aniya ang normal na mga araw, siniguro ni Laurel na halos lahat ng raw materials na kailangan ng merkado ay marami at sapat ang supply.
Patuloy naman ang DA sa pagpapatupad ng kanilang mga inisyatibo para mapababa ang nga presyo ng bilihin lalo na ng ilang basic commodities gaya ng bigas at karne ng baboy para sa mas abot kayang pagbili ng merkado.