-- Advertisements --

Nakahanda ang Czech Republic na tulungan ang Pilipinas na palakasin ang defense security ng bansa sa pamamagitan ng pagsuplay ng mga kinakailangang mga teknolohiya na magagamit sa hinaharap.

Ito ang tiniyak ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala.

Sa panig naman ni Czech Presidente Petr Pavel, suportado nila ang gobyerno ng Pilipinas sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines lalo at kilala ang Czech sa defense industry.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Czech Republic sa kanilang suporta sa modernization program ng Sandatahang lakas ng Pilipinas bilang bahagi ng technology transfer at defense investment initiatives ng Pilipinas.

Sinabi ni Fiala itinuturing nilang regional partner ang Pilipinas sa larangan ng depensa at ang korporasyon, dahilan na sila ay interesadong tumulong sa modernisasyon ng mga kagamitang militar.

Sinabi ni Pangulong Marcos na bahagi ng AFP modernization program ang procurement schedule sa ilalim ng Re-Horizon Phase 3 ng Revised AFP Modernization Program (RAFPMP), at ang pagsasanay sa mga sundalo.

Sa ilalim ng Re-horizon 3 ng RAFPMP, plano ng gobyerno na makakuha ng mas maraming barko, sasakyang panghimpapawid, at radar system upang tumutok sa pagpapabuti ng mga kakayahan ng militar sa archipelagic defense.

Inimbitahan ng Pangulong Marcos ang Czech defense companies, defense industry para magsumite ng kanilang proposals para mag suplay sa Pilipinas ng mga defense capability requirement sa hinaharap.

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang pakikibahagi ng Czech Republic sa AFP’s modernization program ay makakatulong upang mapalawak ang capacity at capability ng military sa bansa.