criminology

ROXAS CITY – Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang criminology student na namatay matapos naaksidente sa motorsiklo sa Barangay Astorga, Dumarao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Kriselyn Villance 20-anyos ng Barangay Mahunod-hunod, Cuartero, Capiz at nag-aaral sa Capiz State University-Dumarao, Campus.

-- Advertisement --

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Dumarao Municipal Police Station na pumunta ang biktima sa Barangay Astorga, Dumarao sakay sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang ama na si Cesar Villance upang maghanap lamang ng signal ng internet para sa kanyang school requirements.

Napag-alaman na may nakatakdang report na kailangan ipasa ni Kriselyn sa kanyang guro sa pamamagitan ng internet kung kaya’t pumunta pa ito sa ibang barangay upang maghanap ng signal.

Ngunit, habang papauwi na sana ang mag-ama aksidente na lamang na nawalan ng kontrol sa manibela si Cesar dahilan na tumampilak ang mga ito sa kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng patal na sugat sa katawan si Kriselyn kung kaya’t sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit binawian rin ito ng buhay.

Samantala, menor na sugat naman sa katawan ang natamo ni Cesar.