Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso ang pansamantalang pagsuspinde sa pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Republic Act No. 12001) upang maiwasan ang dagdag na gastos sa mga negosyo, mahikayat ang pamumuhunan, at matiyak ang maayos na paglipat sa bagong property valuation system.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa ginanap na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang noong Agosto 6.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layunin ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapatupad ng bagong valuation system.
Sa LEDAC meeting kahapon tinalakay rang 24 priority measures na target maipasa bago matapos ang Hunyo 2027.
“Nagpanukala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang kapulungan sa LEDAC meeting nitong August 6, 2026 ng pansamantalang pagsuspinde ng pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act o Republic Act No. 12001 (RPVARA) upang maiwasan ang karagdagang mga gastos sa ari-arian para sa mga negosyo, suportahan ang mga pamumuhunan, at tiyakin ang isang dahan-dahan at makatwirang transisyon patungo sa bagong valuation system,” pahayag ni USec. Claire Castro.
















