Sumusunod lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa batas at tamang proseso sa pagpayag na isumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga bank, tax records sa Impeachment Court.
Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro sa pagkwestiyon ni Atty. Manases Carpio, asawa ni VP Sara sa ginawang pagbibigay ng authorization ni Pangulong Marcos sa kanilang mga financial documents.
Ayon kay Castro, may karapatan si Atty. Mananes Carpio na magsampa ng anumang legal na aksyon kung may pagtutol siya sa naging hakbang ng Pangulo.
Sinabi ni Castro, layunin lamang ng administrasyon na mailabas ang katotohanan at walang dapat ikabahala ang sinumang walang itinatagong anomalya sa kanilang mga rekord.
Binigyang-diin ni Castro na walang dapat ikatakot ang mga ito kung wala namang ginawang kamalian.









