-- Advertisements --

Naghain ang Security and Exchange Commission (SEC) ng criminal complaint sa Department of Justice laban sa anim na kompaniya dahil umano sa mapang-abusong paniningil ng utang mula sa mga borrower.

Ayon kay Atty. Oliver Leonardo na naghain sila ng criminal complaint laban sa tatlong lending companies, isang financing company at dalawang business process outsourcing (BPO) companies.

Inakusahan kasi ang naturang mga kompaniya ng paglabag sa Lending Company Regulation Act at Financial Products at Services Consumer Protection Act.

Ang mga kompaniya na ito ay tumatawag umano at nagbabanta sa mga umuutang o pinapahiya ang mga ito sa social media kapag hindi nakakapagbayad.

Ayon pa sa opisyal, naghain na sila ng reklamo laban sa 28 katao kabulang ang limang Chinese nationals.

Posibleng pagmultahin aniya ang mga ito ng nasa P2 million at makulong ng hanggang limang taon.