-- Advertisements --
KAPA Kabus padatoon Pasto Joel Apolinario

Pormal nang nagsampa ang Department of Justice (DoJ) ng criminal charges laban sa mga top officers at promoters ng Kapa-Community Ministry International Inc. (Kapa) dahil pa rin sa illegal investment scheme process ng naturang grupo.

Ayon sa DoJ, base na rin sa impormasyong ibinigay sa kanila ng Bislig City Regional Trial Court Branch 29, sangkot daw ang Kapa sa pagbebenta o distribution ng securities sa publiko nang walang registration statement mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

SEC team 1
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials

Kinumpirma naman ito ng SEC ngayong araw lamang.

Partikular na isinampa ng DoJ laban sa Kapa founder at presidente nitong si Joel Apolinario ang kasong paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code.

Humaharap din ang mga akusado sa kasong paglabag sa Section 26.1 ng naturang code dahil sa pag-advertise ng investment “scam.”

Kaparehong charges din ang isinampa sa mga key officers sa regional trial courts ng Rizal at Quezon City.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa June 2019 complaint na inihain ng SEC laban sa Kapa dahil sa napaulat na “fraudulent” activities ng grupo.

IMG20190715102845

Una rito, sinampahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Apolinario at 14 na iba pang opisyal ng Kapa ng syndicated estafa noong Hulyo 2019.