-- Advertisements --
Patay ang isang katao habang marami ang nasugatan sa naganap na malakas na pagsabog sa steel factory sa Pennsylvania.
Nangyari ang insidente bago magtanghali sa US Steel Clairton Coke Works.
Maraming mga manggagawa ng planta ang dinala sa pagamutan matapos magtamo ng sugat sa katawan.
Itinuturing ni Clairton Mayor Richard Lattanzi na isang napalungkot na insidente ang nasabing pagsabog.
Patuloy ang ginagawang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.