Umabot pa sa overtime para tuluyang talunin ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia 95-88 sa 2025 FIBA Asia Cup.
Dahil sa panalo ay pasok na sila sa quarterfinals na makakaharap ang Australia.
Sa nasabing laro ay isang malaking hamon sa Gilas dahil sa hindi paglalaro ni Calvin Oftana nagtamo ng ankle injury at si CJ Perez na may ankle injury rin sa ikalawang quarters.
Sa unang bahagi ng first quarter ay dominado ng Gilas Pilipinas ang laro kung saan umabot pa sa 10 puntos ang kalamangan subalit hindi bumitaw ang Saudi Arabia at pinilit na mailapit ang laban.
Ipinakita ni Justin Brownlee ang ‘never say die’ attitude matapos na maipasok ang kaniyang three-points sa natitirang 3.7 seconds ng last quarter ay naitabla sa 79-all ang laro para makapasok sa overtime.
Pagpasok ng overtime ay nagtulong-tulong sina Kevin Quiambao, Dwight Ramos at Brownlee para tuluyang talunin ang host country.
Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipnas si Brownlee na mayroong 29 points, apat na rebounds at limang assists.