Nakatakdang ihahain na bukas ng Philippine National Police Chief (PNP) ang kasong kriminal laban kay NCRPO chief Major Gen. Debold Sinas kaugnay sa umano’y paglabag sa quarantine protocols dahil sa birthday celebration noong nakaraang Biyernes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang kinumpirma sa kanya ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa kanilang pag-uusap.
Ayon kay Sec. Roque, maliban kay Sinas, kasama ring kakasuhan ang iba pang police officials na dumalo sa pagtitipon.
Sa ngayon, kumukuha na ng clearance sa Office of the President (OP) kaugnay sa pagsasampa ng kasong administratibo sa paglabag ng quarantine rules ng mga akusadong senior police officials.
Si Sinas ay isang third level officer at presidential appointee kaya kailangan ng clearance mula sa OP bago ang pagsasampa ng administrative charges.
“Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” ani Sec. Roque.
“The PNP is also getting clearance from the Office of the President regarding the filing of administrative charges in violation of quarantine rules against the alleged violators.”