CAGAYAN DE ORO CITY -Pansamantala munang itinigil ng management ng Divine Shephered Memorial Gardens na nasa likod ng unang nag-trending na video clip na kuha ng isang social media netizen na panay ang pagbuga ng ‘black smoke’ mula sa kanilang crematorium na nasa bisinidad ng residential area ng Barangay Buluan ng Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos naaawa umano ng management sa local government ng lungsod na binanatan ng Manila-based media personalities kung bakit humantong na nalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga residente dahil sa ibinugang makapal na usok mula sa tsimenea ng crematory building ng funeral serviceds.
Sinabi ni CLENRO head Engr Armen Cuenca na talagang paglabag ng ‘Clean Air Act’ ang pagbubuga ng mga makakapal na usok subalit kailangang dapt rin na maikonsidera na nasa pandemya ang bansa kung saan marami ang binawian ng buhay dahil sa impeksyon ng COVID-19.
Inihayag nito na batay sa nabuo rin na kasunduan na magbalik-operasyon ang kompanya kung maisaayos na ang kanilang pasilidad at madugtungan ang taas ng tsimenea na labasan ng mga usok.
Magugunitang dahil sa bilis na impeksyon ng pandemya ay marami rin ang naisalalim nang pag-cremate na hindi lamang mula sa syudad subalit maging sa ibang bahagi ng Northern Mindanao.
Kaugnay nito,hindi alam ni Cuenca kung kakayanin ng isang pribadong crematorium ang pagsunog ng mga babawian ng buhay lalo pa’t nasa walong bangkay lamang ang makakaya nila kada-araw.