-- Advertisements --

Pinanatili ng Japan Credit Rating Agency (JCR) ang investment-grade credit rating ng Pilipinas sa “A-” na may “stable” outlook, na nagpapakita ng matatag na ekonomiya ng bansa.

Lumago ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ng 5.4% sa unang quarter ng 2025, habang nanatiling mababa ang inflation sa 2.0% sa unang apat na buwan ng taon.

Ayon sa JCR, kahit may pagbabago sa taripa ng U.S., nananatiling matibay ang foreign exchange liquidity ng Pilipinas, na nagpapakita ng mataas na kakayahan nitong harapin ang panlabas na hamon sa ekonomiya.

“Despite increased uncertainty due to changes in U.S. tariff policies, [the] Philippines’ foreign exchange liquidity position remains solid, and JCR expects the economy to retain high resilience to external shocks going forward,” saad ng JCR.

Inaasahang mananatili sa “upper 5% range” ang paglago ng GDP ngayong taon, batay sa pagsusuri ng JCR at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kinilala rin ng Fitch Ratings ang matatag na ekonomiya ng bansa, pinanatili ang “BBB” credit rating na may stable outlook dahil sa bumababang inflation, mahusay na monetary policy, at matatag na pampublikong utang.