-- Advertisements --
Hindi nakaporma ang volleyball team ng bansa matapos na talunin sila ng Kazakh champion Zhetysu sa 2025 AVC Women’s Champions League.
Nahirapan ang Creamline sa Kazakhs team na nagtala ng score na 16-25, 17-25, 17-25 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo ng Kazakh si power winger Tatyana Nikitina.
Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Creamline na susunod na makakalaban ang sinumang manalo sa laban ng Zhetysu na mayrong isang panalo at walang talo at ang Al Naser Club na wala pang panalo at isang talo.