-- Advertisements --

Nasa Taiwan na ang Alas Pilipinas men’s volleyball para sa dalawang linggong training camp bilang paghahanda sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Magkakaroo sila ng anim na friendly games laban sa Taiwan.

Magugunitang nagtapos bilang pang-19 na puwesto ang Pilipinas sa katatapos na FIVB Volleyball Men’s World Championship na ginanap sa bansa.

Naniniwala si Alas Pilipinas Italian coach Angiolino Frigoni na malaking tulong sa koponan ang pagkakaroon ng training camp sa Taiwan.

Magugunitang noong 2019 SEA Games ay nagkamit ng silver medal ang men’s volleyball taem matapos na mabigo sila kontra sa Indonesia.