-- Advertisements --

Napili bilang flag bearer ng Pilipinas sa opening ceremony ng 33rd Southeast Asian Games sa Thailand si Pinay tennis star Alex Eala at volleyball star Bryan Bagunas.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, na matunog ang pangalan ng dalawa sa loob at labas ng sporting arena.

Itinuturing na ang dalawa ay pinakamabuting napili dahil sa kanilang kasikatan para sa torneo na magsisimula sa Disyembre 9 sa Bangkok, Thailand.

Si Eala ay nasa world number 50 matapos ang tagumpay niya sa mga WTA tournament.

Habang si Bagunas ay siyang team captain ng Alas Pilipinas men’s national team noong isinagawa ang FIVB World Championship sa bansa nitong Setyembre.