-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tukoy na ng mga otoridad at nakatakdang sasampahan ng mga kasong kriminal sa special court ang ilang top officials ng Communist Party of the Philipppines-New People’s Army (CPP-NPA) na nasa likod paglusob ng pineapple plantation ng Sitio Tanambo, Barangay Bulahan, Claveria, Misamis Oriental.

Ito ay matapos naaresto ng militar ang isa sa 14 na NPA members na kabilang sa mga lumusob at nagsunog sa apat na mga sasakyan na nagbigay serbisyo sa kompanyang Del Monte Philippines Incorporated dahil nabigo umano magbigay ng extortion money sa komunistang grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero na ang pagka-aresto ni alyas James ay nag-resulta pagkatukoy kay Dionesio Micabalo alyas ‘Mulong’ na tumatayong kalihim ng North Central Mindanao Regional Committee na nagbigay utos kay Ronald Sacal alyas Tonton ng Sentro de Gabridad Edot ng Sub-regional Committee 1 na sunugin ang tatlong cargo trucks at transport bus ng mga empleyado dahil nagmatigas magbigay ng extortion money.

Inihayag ni Cordero na kabilang sa isasampa ng kompanya na kanilang susuportahan ay ang mga kasong arson at paglabag ng Republic Act 9851 o Act Defining and Penalizing Crimes Against International Humanitarian Law,Genocide and other Crime Against Humanity sa special court na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Dagdag ng opisyal na bagamat masukal ang bundok na sakop nang pinag-engkuwentruhan subalit hawak ng militar ang pabor dahil na-selyuhan na ang entrance at exit points na maaring pagtakbuhan ng mga rebelde.

Kung maalala,pansamantalang nawalan ng trabaho ang ilang mga trabahante dahil sinunog ang apat na sasakyan na may inisyal danyos na halos P2 milyongnoong Martes ng umaga.

Magugunitang inilahad rin ni Cordero na si Micabalo ay mayroong mga kasong kriminal na rin dahil sa nangyaring pagtambang ng police patrol na ikinawi dahil nadamay na paslit sa bayan ng Talakag at pagsunog ng ilang quarry equipment ng Valencia na lahat nakabase sa Bukidnon sa mga nagdaang mga taon.