Bahagyang mataas ngayon ang naitalang bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa pilipinas kumpara nitong nakalipas na Martes.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 4,289 ang nadagdagan ngayon na nahawa sa virus kaya sa kabuuan sa buong Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,450,110 na.
Bahagya ring nabawasan ang mga aktibong kaso sa bansa na nasa 47,519 o nagpapagaling pa ay katumbas ito ng 3.3 percent mula sa total cases.
Marami naman ang bagong gumaling sa mga kababayan mula sa coronavirus na umaabot sa 6,399.
Ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa bansa ay nasa 1,377,132.
Sa kabila nito nasa 164 ang mga bagong nasawi dulot pa rin ng deadly virus.
Ang death toll ngayon sa bansa ay nasa 25,459 na.
Meron namang apat na laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos.