-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Department of Health region 2 ng anim na panibagong positibo sa COVID 19 ngayong araw.

Dahil dito umakyat na sa 99 ang kabuoang bilang ng nagpositibo ng virus sa region 2

Ang unang kaso ay si CV94 na isang 22 anyos na babae na nagkaroon ng paglalakbay sa Pasay City.

Ang pangalawang kaso ay si CV95, na isang 22 anyos na babae na nagkaroon ng paglalakbay sa Malabon, Metro Manila.

Sila ay kapwa mula sa Quezon, Isabela at napag-alamang nagkaroon ng pakikisalamuha sa nagpositibo na si CV 75.

Ang pangatlong kaso na si CV96 ay isang 46 anyos na babae, isang OFW sa Jeddah, Saudi Arabia na mula Aritao, Nueva Vizcaya.

Si CV97 na isang 24 anyos na babae na mula Alicia, Isabela ang pang-apat na kaso .

Ang pang limang kaso ay si CV98 na isang 34 anyos na babae mula Aurora, Isabela na naglakbay sa sa Angono, Rizal.

Ang 17 anyos na babae na mula Baggao, Cagayan ang pang-anim na kaso na si CV99 at nagkaroon ng paglalakbay sa Quezon City.

Nakasalamuha nito ang nagpositibo sa COVID na si CV 61.

Ang mga nasabing pasyente ay umuwi sa kani kanilang mga lugar ngunit isinailalim sila sa isolation sa mga itinatalagang quarantine facilities.

Lahat sila ay isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan ngunit nanatili silang asymptomatic.

Kasalukuyan na ang isinasagawang contact tracing sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibong kaso ng DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG at PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, at mga Lokal na Pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibo ng virus.