-- Advertisements --

Layon ng Department of Health (DOH) na paiksiin sa limang araw ang proseso sa detection at isolation ng mga COVID-19 patients.

Sa Lagin Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kaakibat ng desisyon ng national governmetn na paluwagin ng bahagya ang quarantine classification ay ang responsibilidad naman ng mga local government units na makapagbigay ng mas mabilis pagtugon sa detection at isolation ng mga COVID-19 patients sa kanikanilang mga lugar.

Ayon kay Vergeire, ang average sa kasalukuyan ay siyam hanggang 11 araw bago ma-isolate ang taong tinamaan ng COVID-19.

Mababatid na simula ngayong araw, Mayo 15, hanggang sa Mayo 31, ay nasa ilalim na ng general community quarantine na mayroong “heightened restrictions” ang Metro Manla, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Pinapayagan na rito ang iba’t ibang economic activities gaya ng dine-ine services ng mga restaurants, al fresco dining, at outdoor tourist activities pero sa limitadong kapasidad lamang.