-- Advertisements --

Sumampa na sa 32 ang nasawi na mga police personnel dahil sa Covid-19 virus. Itoy matapos nadagdagan ng isa ang nasawi, batay sa datos ng PNP Health Service.


Ayon kay PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang 54-anyos na uniformed personnel ang nasawi dahil sa atake sa puso.

Batay sa ulat matagal nang masakit sa puso ang nasabing pulis na naka-assign sa PNP Inteligence Group, subalit lalong lumala ito matapos magpositibo sa Covid-19 virus.

Tumaas naman ang bilang ng active cases sa PNP na umabot sa 550.

-- Advertisement --

Habang nasa 22 bagong recoveries ang naitala, batay sa datos na inilabas ng PNP Health Service.

Sa ngayon, nasa kabuuang 11,641 na ang Covid-19 cases sa PNP at nasa 11,059 naman ang total number of recoveries.