-- Advertisements --
covid tally feb 4

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon.

Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay.

Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga bagong namatay mula sa deadly virus.

Matapos ang final validation ay tinanggal ng DOH ang siyam na duplicates mula sa kabuuang bilang, kasama na ang dalawang recoveries.

Umabot naman sa siyam na kaso na dati ay naiulat na nakarekober ang mapag-alamang namatay matapos ang final validation.

Mayroon namang dalawang mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).