-- Advertisements --
Siniguro ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tuloy-tuloy na ang distribusyon ng cash aid para sa mga apektado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, “downloaded” na ang pondo ng COVID-19 cash aid sa field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, mabilis lamang ang distribution ng cash assistance at sa katunayan ay nasa 10 lungsod na sa Metro Manila ang nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno noon pang Huwebes.
Pero sinabi ni Malaya na depende raw sa mga local government units (LGUs) kung gaano kabilis kumilos para maibigay kaagad ang cash aid.
Malinaw din umano ang order na tuwing may payout, dapat kasama ng LGUs ang mga pulis para tumulong.