-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 3,550 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang total ng mga tinamaan ng sakit sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa ngayon pumapalo na sa 272,934 ang naging infected ng pandemic virus.

Ayon sa ahensya, pitong laboratoryo lang ang bigong makapag-submit ng kanilang mga data kahapon sa COVID-19 Data Repository System. Kabilang sa listahan ang:

  1. Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (TALA)
  2. Lanao del Norte Covid-19 Testing Laboratory
  3. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
  4. Metro Iloilo Hospital and Medical Center
  5. Oriental Mindoro Provincial Hospital
  6. Safeguard DNA Diagnostics
  7. Valenzuela Hope Molecular Laboratory

Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 84% ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw. Pero may mga naitala rin nag-positibo noon pang Marso hanggang Hulyo.

“Of the 3,550 reported cases today, 2,984 (84%) occurred within the recent 14 days (September 3 – September 16, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,168 or 39%), Region 4A (808 or 27%) and Region 3 (333 or 11%).”

Ang active cases o mga nagpapagaling pa ay nasa 60,344.

Samantala, 524 ang additional recoveries sa total ng mga gumaling na nasa 207,858 na. Habang 69 ang nadagdag sa death toll na ngayon ay nasa 4,732 na.

“Of the 69 deaths, 34 occurred in September (49%), 18 in August (26%) 10 in July (14%) 4 in June (6%) 2 in May (3%) and 1 in April (1%). Deaths were from NCR (24 or 35%), Region 4A (19 or 28%), Region 6 (10 or 14%), Region 7 (6 or 9%), Region 8 (2 or 3%), Region 9 (2 or 3%), Region 12 (2 or 3%), Region 4B (2 or 3%), Region 3 (1 or 1%), and Region 5 (1 or 1%).”

Nasa 23 duplicates daw ang tinanggal ng ahensya sa total case count, kung saan siyam ang recoveries.

Mayroon ding siyam na recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay mga patay na.