-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 550,860 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos madagdagan ng 1,685 na mga bagong kaso ng sakit ngayong araw ng Lunes, February 15.

“6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 14, 2021.”

Aabot pa sa 27,588 ang mga active cases o nagpapagaling.

Binubuo ito ng 86.6% na mild; 6.9% asymptomatic; 0.86 moderate; at 2.8% na severe at critical cases.

Nadagdagan din ng 14 ang total recoveries na ngayon ay 511,755 na.

Habang dalawa ang bagong kaso ng namatay, na nagpaakyat pa sa total deaths na 11,517.

“1 duplicate was removed from the total case count.”

“Moreover, 2 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”