Nasa halos 340,000 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong araw, nag-ulat ang ahensya ng 2,502 na dagdag sa bilang ng coronavirus cases ng bansa, kaya ang total ay umakyat pa sa 339,341.
Batay sa report ng kagawaran, 15 laboratoryo ang bigong mag-submit ng report kahapon sa COVID-19 Data Repository System.
Ayon sa Health department, 84% o 2,106 ng additional cases ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. Ang natitirang bilang naman ay nag-positibo noon pang Marso hanggang Setyembre pero kahapon lang nai-report.
“Of the 2,502 reported cases today, 2,106 (84%) occurred within the recent 14 days (September 28 – October 11, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (650 or 31%), Region 4A (492 or 23%) and Region 3 (203 or 10%).”
Nasa 39,945 pa ang mga nagpapagaling o active cases matapos matapyasan sa pamamagitan ng Oplan Recovery.
Ang total recoveries ay nasa 293,075 na dahil sa additional na 17,057 sa mga gumaling. Nasa 83 naman ang dagdag sa total death count na ngayon ay nasa 6,321 na.
“Of the 83 deaths, 24 occurred in October (29%), 21 in September (25%) 23 in August (28%) 9 in July (11%) 2 in June (2%) 1 in May (1%) 2 in April (2%) and 1 in March (1%). Deaths were from NCR (39 or 47%), Region 4A (17 or 20%), Region 6 (10 or 12%), Region 10 (5 or 6%), Region 3 (4 or 5%), Region 1 (2 or 2%), Region 7 (2 or 2%), Region 8 (1 or 1%), and CARAGA (1 or 1%).”
“87 duplicates were removed from the total case count. Of these, 35 were recovered cases.”
“Moreover, 41 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”