Lalo pang lumakas ang bagyong Emong dahilan para tuluyan na nitong maaabot ang Typhoon category .
Patuloy na kumikilos ang bagyo patungo sa bahagi ng Northern Luzon kung saan inaasahan ang pangalawang landfall nito sa Ilocos Sur o La Union ngayong umaga.
Pagkatapos nito ay tatawirin ng bagyo ang mountainous terrain ng Northern Luzon bago lalabas sa Babuyan Channel bago magtanghali.
Tatahakin naman ng bagyo ang direksyon pa northeastward at inaasahang lalapit sa Babuyan Islands ngayong tanghali o hapon.
Lalapit rin ang bagyo sa bahagi ng Batanes mamayang hapon o gabi.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Emong sa coastal waters ng Bangar, La Union.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na umaabot na sa 165 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa Hilagang-silangan na direksyon sa bilis na 20 km/h.
Dahil sa paglakas ng bagyo at paglapit nito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal 4 sa southwestern portion ng Ilocos Sur at northern at central portions ng lalawigan ng La Union.
Sa ilalim nito ay aasahan ang malalakas na hagupit ng bagyo na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mga high–risk structures.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal 3 sa southern portion ng Ilocos Norte ,natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, western portion ng Apayao Abra,western portion ng Kalinga, western portion ng Mountain Province, western portion ng Benguet , at northern portion ng Pangasinan.
Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte,nalalabing ng bahagi ng Pangasinan,northern portion ng Zambales , nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, nalalabing bahagi ng Benguet, Ifugao, Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, northern at western portions ng Isabela, western at central portions ng Nueva Vizcaya, northwestern portion ng Nueva Ecija at northern portion ng Tarlac .
Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora , tnatitirang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, western at central portions ng Pampanga ,nalalabing bahagi ng Zambales, at northern portion ng Bataan .
Sa pagtawid ng bagyo sa mountainous terrain ng Northern Luzon, inaasahang hihina ito bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Sabado o Linggo .
Patuloy namang makaka apekto ang southwest moonson o habagat sa bahagi ng bansa na magdadala ng mga mabibigat na pag-ulan.
Binabantayan rin natin ang isa pang bagyo na nasa labas ng ating PAR na may layong 2,220 km ng silangan ng Central Luzon habang nakalabas naman na sa PAR ang bagyong Dante.