-- Advertisements --

Pumalo na sa 173,774 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).

Lumalabas na 97 lang mula sa 105 na laboratoryo ang nagpasa ng kanilang report, kaya ang bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit ay umabot sa 4,650.

Ang bilang na ito ay binubuo ng higit 3,800 mula sa National Capital Region. Marami ring naitala sa Calabarzon at Western Visayas.

“Of the 4,650 reported cases today, 3,848 (83%) occurred within the recent 14 days (August 6 -19, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (2,576 or 67%), Region 4A (574 or 15%) and Region 6 (156 or 4%.)”

Samantala ang numero ng mga nagpapagaling pa o active cases ay nasa 57,498.

Aabot naman sa 716 ang nadagdag sa recoveries na may total na ngayong 113,481. Habang 111 pa na bagong namatay ang nadagdag sa total death count na ngayon ay nasa 2,795.

“Of the 111 deaths, 76 (68%) in August, 13 (12%) in July, 8 (7%) in June, 9 (8%) in May, and 5 (5%) in April. Deaths were from NCR (52 or 47%), Region 7 (29 or 26%), Region 4A (11 or 10%), Region 3 (6 or 5%), Region 9 (4 or 4%), REPATRIATE (4 or 4%), Region 6 (2 or 2%), Region 5 (1 or 1%), Region 11 (1 or 1%), and BARMM (1 or 1%.)”

Ayon sa DOH, 89 duplicates ang kanilang tinanggal sa total case count. Kasali rito ang 69 recoveries at dalawang death cases.

“Moreover, there were twenty-seven (27) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths (26) and active (1) cases. There’s also one (1) case that was previously reported as death has been validated to be a recovery.”