MANILA – Pumalo na sa 1,101,990 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVD-19) sa Pilipinas.

Batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 7,174 na bagong kaso ng sakit ang total infection tally.

“All labs were operational on May 7, 2021 and all labs were able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS).”

Ayon sa DOH, nasa 13.9% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 46,878 indibidwal na nagpa-test sa COVID-19 kahapon.

Mayroon pang 61,294 active cases o hindi pa gumagaling mula sa sakit. Kung saan malaking porsyento o 93.8% ang mga mild cases.

Basa 2.1% naman ang bilang ng asymptomatic cases, 1.7% ang mga severe, 1.3% na mga critical, at 1.07% na moderate cases.

Samantala nadagdagan ng 9,197 ang bilang ng mga gumaling. Ang total recoveries sa ngayon ay nasa 1,022,224 na.

Pero 204 ang bagong naitalang namatay para sa 18,472 total death cases.

“33 duplicates were removed from the total case count. Of these, 28 are recoveries and 1 is a death.”

“Moreover, 149 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”