Kinumpirma ngayon ng mga gobyerno ng France na umabot sa halos 5,000 ang nadagdag na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw.

Sa report na inilabas ng Grench government, lumundag sa 4,611 ang karagdagang mga kaso, dahilan para pumalo sa 37,575 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa kanilang bansa.

Tumaas din ng 319 ang death toll ng France sa coronavirus, kaya umakyat pa sa 2,314 ang pinakahuling dovernment figures.

Kasalukuyan namang nananatili sa mga intensive care units sa buong bansa ang 4,273 coronavirus patients.

Samantala, kinumpirma ni French Health Minister Olivier VĂ©ran na um-order na sila ng 1-bilyong face masks sa China.

Ayon kay Veran, kayang gumawa ng bansa ng 8-milyong face mask ngunit kumokonsumo ng 40-milyon kada linggo. (CNN)