-- Advertisements --

Muling sumipa sa higit 1,000 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), may 1,392 reported na bagong tinamaan ng sakit dahil sa submission ng 73 mula sa 82 na lisensyadong laboratoryo sa bansa.

Dahil dito umakyat na sa 58,850 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.

Mula sa nasabing total, 36,260 ang active cases o nagpapagaling pa.

Binubuo ito ng 90.6-percent na mga mild, 8.6-percent asymptomatic, 0.5-percent na mga critical at 0.4-percent na mga severe cases.

Ang bilang naman ng recoveries ay nadagdagan ng 517 kaya ang total ng mga gumaling ay nasa 20,976. Samantalang 11 ang nadagdag sa total deaths na 1,614.

“Kabilang sa ating data reconciliation and validation efforts ang pagtatala ng additional na recoveries mula sa mga kasong naireport mula March hanggang May 31 na naitalang walang sintomas o may mild symptoms,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa DOH, 87 duplicates ang tinanggal sa total case count matapos ang ginawang validation.

“Of the 11 deaths, 5 (45%) in July and 6 (55%) in June. Deaths were from NCR (8 or 73%), Region 3 (1 or 9%), Region 4A (1 or 9%), and Region 9 (1 or 9%).”